Kaagad na nasawi ang hindi pa nakikilalang motorcycle rider makaraan siyang bumangga sa likuran ng isang pampasaherong jeep, makaraang mag-over take ito sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Walang driver’s license o anumang pagkakakilanlan ang nasawi.

Kusang-loob namang sumuko ang jeepney driver na si Santiago Espiritu, 67, ng No. 20 A.P. Aquino Street, Caloocan City.

Ayon sa report, dakong 4:00 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa A. Mabini malapit sa kanto ng E. Rodriguez.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento ni Espiritu, binabagtas niya ang A. Mabini patungong Monumento nang marinig niya ang malakas na kalampag sa hulihang bahagi ng kanyang jeep.

Nang mag-usisa, nakita ni Espiritu ang duguang katawan ng lalaki pati na ang isang Yamaha Mio Soul (9319-S0).

Sinabi ng mga pasahero na tinangkang mag-overtake ng lalaki sa jeep, pero sumalpok ito sa likurang bahagi ng sasakyan. (Orly L. Barcala)