Walang katuturan.

Ganito inilarawan ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang panawagan ni Pangulong Aquino para sa iba’t ibang kampo pulitikal na itaguyod ang isang “united front” laban sa kandidatura sa pagkapangulo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa halip na magsulong ng mga walang saysay na estratehiya, sinabi ni Joey Salgado, campaign communications director ng United Nationalist Alliance (UNA), na dapat atupagin na lang ng administrasyon ang tiyakin na magkakaroon ng malinis at payapang halalan bukas.

“Vice President Jejomar C. Binay believes the President should just ensure that the election is free from cheating, violence and intimidation,” pahayag ni Salgado.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nagsilbing alkalde ng Makati City nang mahabang panahon, si Binay ang standard bearer ng UNA.

Iginiit ni Salgado na mahalaga ang pagdaraos ng eleksiyon na walang bahid ng dayaan sa ilalim ng demokrasya ng bansa.

“Basta nahalal sa malinis na eleksiyon, dapat igalang ng lahat ang hatol ng taumbayan dahil ‘yan ang diwa ng demokrasya,” aniya. (Ellson A. Quismorio)