Ibinunyag ng vice presidential candidate na si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang umano’y malawakang vote-buying sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ipanalo ang mga kandidato ng administrasyon.

Sa panayam sa isang himpilan ng radyo, sinabi ni Marcos na sa kanyang pagpunta kahapon sa Cavite, Tacloban City, at pagkatapos ay sa Davao City, iisa lamang ang report sa kanya ng kanyang mga coordinator at supporter hinggil sa malawakang pamimili ng boto.

“Meron nang nag-second wave na…pataas na nang pataas ang bigayan. At ang pinakamalakas magbigay ay siyempre ‘yung para sa administration candidates, both local and national,” ani Marcos.

Sa ganoong kalaking halaga, ang may kakayahan lamang gumawa nito ay ang administrasyon gamit ang pera ng gobyerno, ayon pa sa senador.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“If you calculate kung ano ang ibinibigay—certain candidates are giving P5,000 per barangay captains para ipanalo sila sa barangay, they are promising P300,000 to P500,000 to a mayor—nobody can afford that except the government,” pagpapaliwanag ni Marcos.

Hinimok ni Bongbong ang Commission on Audit (CoA) na bantayang mabuti ang paggastos ng pera ng bayan lalo na ngayong mga panahong ito. (Beth Camia)