BUKAS ay gagawa ng makasaysayang desisyon ang may 55 milyong botanteng Pilipino upang maghalal ng magiging leader na titimon sa barko ng bansa sa susunod na anim na taon. Kapag nagkamali ang mga kababayan natin sa pagpili ng bagong Pangulo ng naghihirap at nagdurusang Pilipinas, hindi lang sila maliligaw sa Tuwid na Daan na ipinagmamalaki ni PNoy, kundi sa posibleng paggewang-gewang ng barko ng bansa na baka lumubog sa dagat ng kasawiang-palad. Magsuri, mag-aral at mag-isip tayo.

Handa na ba ang mamamayan na piliin ang isang leader na palamura, killer, makakaliwa at magtatatag daw ng isang revolutionary government kapag naging “pasaway” ang Kongreso? Siya ay si Mayor Rodrigo Duterte, na batay sa Pulse Asia Survey na kinomisyon ng ABS-CBN nitong Abril 26-29, ay namamayagpag pa rin bitbit ang 33% ratings. Nakabuntot na sa kanya ngayon si ex-DILG Sec. Mar Roxas, na may 22%, at pangatlo si Sen. Grace Poe na nagkamit ng 21%. Si VP Binay ay may 17%, at si Sen. Miriam Defensor Santiago ay 2%. Meron pa yatang ilalabas na survey results ang SWS. Abangan.

Walang duda, nabighani ni Mayor Digong ang mga tao dahil sa bantang pagpatay sa drug dealer-traffickers, smugglers, kriminal na nais ng mga Pinoy na mawala sa mundo. Maliwanag na ang pagpabor kay Duterte ay isang anti-government sentiment laban sa PNoy admin, na itinuturing na palpak, manhid at tamad, at hindi dahil talagang gusto nila ang machong alkalde.

Pero, kuwidaw ka, Mang Rody dahil may report na nababahala si PNoy sa iyong pangunguna at baka raw mabalik sa diktadurya at mga pagpatay ang Pilipinas kapag ikaw ang nagwagi.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

***

Samantala, nasiyahan si Manila Rep. Benjamin Asilo, LP bet sa pagka-vice mayor, sa resulta ng survey nitong Abril mula sa Strafford Research and Strategies, katuwang ang Smart Poll Research Center. Nagtamo siya ng 38% kontra sa 29% ni Ali Atienza. Sa pagka-mayor naman, si Erap ay nagtamo ng 47% kontra kay Fred Lim na nakakuha ng 37%.

Samakatwid, kinikilala ng taga-Tondo at ng Maynila ang kakayahan at performance ni Asilo bilang dating kagawad ng barangay, kapitan, konsehal at kongresista.

Ipagkakaloob ni Asilo sa mga senior citizen ang angkop na pangangalaga at P2,000 kada taon upang dagdag na pambili ng gamot at pagkain. ‘Di siya payag sa privatization ng mga palengke. May mga proyekto siya para sa kabataan, kababaihan at PWDs.

***

Tungkol pa rin sa mga survey, parang hindi tumalab sa mga Pinoy ang mga batikos kay Mayor Duterte, ang huli at pinakamatindi ay ang exposé ni Sen. Antonio Trillanes IV na siya ay may mahigit P2 bilyon transaksiyon sa mga bangko.

Nais ni Trillanes na ilantad sa publiko na hindi pobre o mahirap ang palamurang mayor, tulad ng “pambobola” raw nito sa mga tao na wala itong pera, kaya nagpatulong na mag-contribute sa kampanya. Sa tantiya ng financial at political analysts, kailangan ng isang kandidato sa pagkapangulo ang mahigit P2 bilyon upang maging masigla at mapuwersa ang kanyang pag-target sa trono ng Malacañang.

Kung magkakaisa ang kababaihan sa bansa, posibleng magkaroon ng dalawang babaeng leader ang ‘Pinas sa halip na ibigay ang poder sa isang palamura, mamamatay-tao, babaero at pro-NPA na pangulo. Sila ay sina Sen. Grace, ng Galing at Puso; at CamSur Rep. Leni Robredo, ng Liberal Party. Malaki ang inangat sa survey ratings ni beautiful Leni (30%) kumpara kay Sen. Bongbong Marcos (28%) at Sen. Chiz Escudero (18%). Women Power na sa ‘Pinas bukas! (Bert de Guzman)