CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Dinakip nitong Biyernes ang apat na pulis dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code, sa kabundukang bayan ng Doña Remedios Trinidad, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., acting Bulacan Police Provincial Office director, ang mga naaresto na sina SPO4 Gerald Ruiz, 39; PO3 Arnaiz Aguilar, 38; PO2 Emanuel Carlos, 34; at PO1 John Kirby Merle, 29, pawang pulis-Bulacan.

Nang maaresto, kasama ng apat na pulis sina Rogelio Lopez, 50, ng Barangay Kalawakan; Ronald Piadozo, 34, ng Bgy. Sapang Bulac, parehong sa DRT; Tom Otrera, 65, miyembro ng media, ng Caloocan City; at Mercy Ann Arañego, 36, media rin, ng Tondo, Maynila.

Si Mayor Ronaldo Flores ang nag-report sa pulisya tungkol sa presensiya ng mga suspek sa lugar nitong Biyernes ng umaga. (Freddie C. Velez)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?