Umiinom ang ilan sa atin ng matataas na dosage ng anti-diarrhea medication na Imodium upang gamutin ang sarili, na ayon sa mga health expert na delikado ngunit usung-uso.

Bagamat nagagamot ang diarrhea, ang pag-inom ng mataas na dosage ng nasabing gamot ay maaaring maging dahilan ng malubhang side effects, kabilang na ang hirap sa paghinga at problema sa puso, at ang pinakamatindi ay pagkamatay.

“People looking for either self-treatment of withdrawal symptoms [for opioid addiction] or euphoria are overdosing on loperamide with sometimes deadly consequences,” pahayag ng study co-author na si William Eggleston, isang clinical toxicologist sa Upstate New York Poison Center, sa Syracuse. “This is another reminder that all drugs, including those sold without a prescription, can be dangerous when not used as directed.”

Ang Loperamide ay isang opioid drug, na ang ibig sabihin ay kabilang ito sa uri ng mga gamot na nagsisilbing painkillers. Ang mga gamot na may regular dose ay hindi magiging sanhi ng pagiging “high” dahil bahagya lamang ang napapasama sa blood stream. Ngunit ang gamot na may mataas na dosage, maaaring mahalo ang gamot sa blood stream at sa utak, ayon sa mga researcher.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

“Our nation’s growing population of opioid-addicted patients is seeking alternative drug sources, with prescription opioid medication abuse being limited by new legislation and regulations,” sambit ni Eggleston. “Health care providers must be aware of increasing loperamide abuse and its under-recognized cardiac toxicity,” dagdag pa niya.

(LiveScience.com)