KC AT PAULO copy

SA 20th wedding anniversary at renewal of vows nina Sharon Cuneta at Atty. Kiko Pangilinan kamakailan, dumalo ang halos buong angkan ng mga Pangilinan at Cuneta. Kapansin-pansin din na present sa mahalagang okasyon na ito ang kasama ni KC Concepcion, ang Azkals football player na si Aly Borromeo.

Bagamat wala pang confirmation mula kina KC at Aly na mag-on sila, sabi nga’y action speaks louder than words.

Inakala ng maraming showbiz observers noon na cool-off lang ang nagaganap kina KC at Paulo Avelino (ang huli niyang boyfriend), pero nagdudumilat ang katotohanang na may bago nang ka-date ang mega-daughter in the person of Aly.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Sa announcement ng The Promise of Forever, ang pinakabagong TV series na gagawin ng Dreamscape Entertainment, malaya namang sinagot ni Paulo kung happy siya sa newfound suitor ni KC na football player.

“Okay! Well, she deserves to date someone else and be happy. Everyone deserves to be happy. Everyone deserves to maybe find what they are looking for,” malumanay na sagot ng aktor.

So, tuluyan na nga silang naghiwalay ni KC lalo’t nabalita ring kasama at ka-date ni Paulo si Bea Alonzo sa Singapore noong nakaraang buwan? 

“No, no!” mariing tanggi ni Paulo. “‘Yung nangyari no’n kasi my Singaporean friends invited me, pero si Bea, Enchong (Dee) and Ate Monch (Novales) of Star Magic pumunta sila ng Sunday ‘ata ‘yun, so nagkita-kita kami ng Sunday.”

Iginiit ni Paulo na, “It was not a date.”

Best friends sina Bea, Enchong at Maja Salvador. 

Aminado ang binata na loveless but happy siya ngayon.

“I’m single. I have no plans of seeing someone. I don’t know when, pero hindi naman natin masasabi, so time will tell,” pahayag ni Paulo. (ADOR SALUTA)