Sa eleksiyon sa Lunes, 20 porsiyento ng mga puwesto sa Kamara de Representantes ang nakareserba sa mga kinatawan ng party-list groups.

Subalit lumitaw sa huling survey ng Pulse Asia na lima lang sa bawat 10 botante ang may sapat na kaalaman tungkol sa party-list system.

Base sa survey nitong Abril 16-20, lumitaw na 52 porsiyento ng 1,800 respondent mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaaalam ng party-list system, habang 48 porsiyento ang hindi batid ito.

Ito ay mas mababa sa 60 porsiyento na nagsabing sila ay “aware” sa sistema, at 40 porsiyento ang nagsabing wala silang alam, base sa survey na isinagawa nitong Marso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Itinatag ang party-list system upang mabigyan ng pagkakataon ang mga maralitang sektor ng lipunan na magkaroon ng kinatawan sa Kongreso.

Makapipili lamang ang mga botante ng isang grupo mula sa mahigit 180 party-list group na kandidato sa Lunes.

(Ellalyn B. De Vera)