Nagpatupad ng re-routing scheme ang Makati City government para sa taunang pagdiriwang ng “Flores De Mayo” ngayong araw (Mayo 4).

Sa pahayag ng Makati-Public Safety Department (MAPSA), magsisimula ang parade of floats ng Mayflower Queen at ng mga sagala sa City Hall Quadrangle at magtitipon sa Circuit Makati sa Barangay Carmona.

Kaugnay nito, isasara sa trapiko ang ilang bahagi ng J.P. Rizal dakong 4:00 ng hapon.

Para sa mga motoristang magmumula sa Guadalupe patungong Maynila, pinapayuhang dumaan sa F. Zobel, kumaliwa sa Morong St., kaliwa sa Angono St., kanan sa Hormiga St., kaliwa sa Trabajo St., at kanan sa Hipodromo St., bago tumawid sa A.P. Reyes patungo sa destinasyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpakalat na ang Makati Traffic Department ng karagdagang traffic enforcers na magmamando ng trapiko at gagabay sa mga motorista upang hindi maipit sa inasahang matinding trapik.

Pinaalalahanan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta papunta sa kanilang destinasyon upang hindi maabala. (Bella Gamotea)