DUBAI, United Arab Emirates (AP) – Lumabas sa ulat ng isang anti-corruption watchdog na sa karaniwan, 30 porsiyento ng mga tao sa siyam na bansang siniyasat sa Middle East ay nagbibigay ng suhol upang makakuha ng serbisyo publiko.

Natuklasan din sa survey na inilabas ng Transparency International nitong Martes, na ang mga korte ang may pinakamalalang bribery record sa anim na serbisyong tinanong.

Kinapanayam ng watchdog ang 11,000 mamamayan sa siyam na bansa sa Mideast at natuklasang malaki ang suhulan sa Yemen, sa 77% ng respondent sa maralitang bansa ang nagsabing kailangan nilang magbigay ng suhol para makakuha ng mga serbisyo publiko.

Ang bilang na ito ay halos 50% sa Egypt, Sudan at Morocco. Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng direktang pagtatanong sa iba’t ibang pagkakataon noong 2014 at 2015, na mayroong 3% margin of error.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina