Mayo 3, 1859 nang isilang si Enrique Mendiola, isang kilalang educator, awtor, at founder-director ng iba’t ibang institusyong akademiko.

Natamo niya ang kanyang Bachelor of Arts degree sa Colegio de San Juan de Letran sa Intramuros, Maynila, at pagkatapos ay nagturo siya at sumulat ng napakaraming libro. Siya ang nagsilbing patnugot ng itinatag niyang pahayagang pampaaralan na La Alborada. Nag-aral din siya ng abogasya sa University of Santo Tomas, at kalaunan ay nagtapos ng kurso sa philosophy and letters.

Kilala rin si Mendiola bilang isa sa mga nagpasimula sa pagtuturo ng pedagogy sa Pilipinas. Kasabay nito, isinulat niya ang mga libro tungkol sa Spanish at Latin grammar.

Ang arko at kalsada ng Mendiola na kilala natin sa ngayon ay ipinangalan sa kanya, at napaliligiran ang lugar ng mga kolehiyo at unibersidad. Sa nasabing kalsada dumanak ang dugo ng ilang magsasaka noong Enero 22, 1987, at tanyag ngayon ang lugar bilang pangunahing pinagdadausan ng mga kilos-protesta.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?