CAMP MACABULOS, Tarlac City - Isang driver ng tricycle at tatlong construction worker ang isinugod sa Gilbert Teodoro Hospital sa Camiling matapos bumalandra ang sinasakyan nilang tricycle dahil sa pagtawid ng isang baka sa highway ng Barangay Burgos sa San Jose, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Arham Mablay ang mga nasugatan na sina Oscar Geronimo, 24, driver ng tricycle (UF-2541); Ronnie Rillorta, 52, ng Bgy. Bigbiga, Mayantoc; John Dacayanan, 44; at Domingo Felipe, 42, pawang obrero sa Bgy. Pitombayug sa Mayantoc.

Ayon sa report, binabagtas ng tricycle ang nabanggit na highway nang biglang tumawid ang baka, kaya sa pag-iwas ni Geronimo sa hayop ay nawalan siya ng kontrol sa tricycle. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog