Steven Adams, Tim Duncan

SAN ANTONIO (AP) — Naghanda ng todo ang San Antonio Spurs, ngunit hindi nila inaasahan na magiging magaan ang laban kontra Oklahoma Thunder sa Game 1 ng kanilang Western Conference best-of-seven semi-finals.

Ratsada si LaMarcus Aldridge sa 38 puntos, habang tumipa si Kawhi Leonard ng 25 puntos, limang rebound at limang assist sa dominanteng 124-92 panalo ng Spurs nitong Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).

Mula sa tip off, umabante ang Spurs at hindi nakatikim ng hamon sa Thunder. Umabot sa pinakamalaking 43 puntos at bentahe ng San Antonio dahilan para hindi na palaruin ni coach Greg Popovich ang kanyang starter sa final period.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umariba ang opensa ni Aldridge matapos malimitahan sa 14.5 puntos sa serye laban sa Memphis sa first round, pitong puntos ang layo sa kanyang average.

Kumana siya ng 18 for 23 sa field, kabilang ang unang 3-pointer ngayong season at alahoy na lay-up matapos bigyang ng hard foul ng Thunder.

Nanguna si Serge Ibaka sa Oklahoma City na may 19 na puntos, ngunit nalimitahan siya sa dalawang rebound.

Napisot naman ang opensa nina Kevin Durant na nalimitahan sa 16 na puntos, at Russell Westbrook na may 14 na puntos.