Mayo 2, 1933 nang iulat ng Scotland newspaper na Inverness Courier na may isang taong nakakita sa “aquatic beast” na umulos sa kalaliman ng Loch Ness Lake. Pagkatapos nito, nagsimula na ang espekulasyon ng mga residente tungkol sa “monster”, matapos makita ni John Mackay at ng kanyang asawa ang isang “creature.”

Naging interesado ang mga tao sa “creature”, at nagpadala ng kani-kanilang reporter ang iba’t ibang media outlet sa Scotland. Si Marmaduke Wetherell, isang mangangaso, ang nakakita sa bakas ng isang hayop na may apat na paa.

Nasundan ito ng iba pang “monster sightings”.

Matatagpuan sa Scotland, ang Loch Ness Lake ay may lawak na 23 milya, at may lalim na 800 talampakan. Noong 500 A.D., gumuhit ang mga tao ng larawan ng “creature” sa mga mabato malapit sa lawa.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?