Ruffa at Trev (USE THE RIGHT ONE) copy

WALA pang sinasabi si Rufa Mae Quinto kung kailan ang kasal nila ng fiance niyang si Trev Magallanes, basta this year daw.

Pero ongoing na ang wedding preparations at mukhang si Pepsi Herrera ang gagawa ng wedding gown ni Rufa Mae dahil may picture sila sa Instagram na sinusukatan siya ng sikat na designer.

Kahit naba-bash si Rufa Mae na siya lang daw ang aligaga sa pag-a-announce ng paghahanda sa kanyang kasal at kahit may mga ayaw pa ring maniwalang ikakasal na ang komedyana, tuloy pa rin ang paghahanda niya.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nandito sa Pilipinas ang fiance ni Rufa Mae and in fairness, sa ilang araw pa lang na pananatili nito sa bansa, ang dami nang napuntahan. Sa mga nakikita naming pictures, mukhang nag-i-enjoy itong maarawan at mainitan.

Bina-bash din si Rufa Mae dahil sa pagsuporta niya kay Mar Roxas. Mabuti at hindi siya napipikon sa mga paninira sa choice niya.

Sabi niya: “I prayed about it. I really care. Once in my life bilang babae, bilang tao, I made a stand, I have to believe in what I believed in, wala akong bayad, bayan lang, meron. Ako po ay nasa Pilipinas para sa paniniwala ko, ayaw ko na ng tawad tuwad, matuwid na daan, ok! I always love making people laugh, I love my country. Sa lahat ng pinagdaanan ko, naniniwala ko, nagdarasal, na walang magaganap na masama sa mahal kong Pilipinas. Respect begets respect. And I highly respect ALL THE CANDIDATES, walang personalan. Malaya ako mamili kung sino kandidato ko kahit kutyain ako. Friends, sa aking pagsusuri, panahon na para kay Mar Roxas. KAY ROXAS KAMI.” (NITZ MIRALLES)