Jake copy

ILANG araw na naming hindi napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya hindi namin nasusundan ang kuwento.

Pero sa announcement ng Dreamscape Entertainment para sa bagong teleseryengBecause You Love Me ay nabanggit ni Jake Cuenca na papasok siya sa serye ni Coco Martin.

Sabi ni Jake, abangan daw ang papel niya sa Ang Probinsyano dahil maganda at na-miss daw niyang katrabaho si Coco dahil nag-enjoy sila sa Ikaw Lamang serye nila with Kim Chiu, KC Concepcion at Julia Montes noong 2014. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Gagampanan ni Jake ang papel na Jonas, ang rebeldeng anak dahil sa kinikimkim na galit sa pamilya. Ipinadpad siya ng pagrerebelde sa drug syndicate at naging dealer ng big boss na si Eddie Garcia bilang si Don Emilio (ama ni Agot Isidro).

Para naman sa supporters ng tambalang Elmo Magalona at Janella Salvador na matagal nang hinihintay ang launching serye nilang Born For You ay panoorin muna ang guesting nila sa Ang Probinsyano.

Sila ang magdadagdag ng kilig sa serye na siguradong ikatutuwa ng kanilang avid supporters. Katunayan, kahit hindi pa nagkikita ang kanilang mga karakter, matindi na agad ang reaksiyon ng JanElmo fans sa online world.

Sa pagpasok ng mga bagong karakter sa serye, handa na ba si Cardo (Coco) na harapin ang mga panibagong panganib sa kanyang buhay? Mangyari na kaya ang inaabangang paghaharap nila ni Jonas? (Reggee Bonoan)