Para sa isang kandidato na nagpapakilalang simple at walang malaking pondo para sa kampanya, lumalabas na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ang may pinakamalaking ginastos sa advertisement kung ikukumpara sa lahat ng kandidato sa pagkapangulo.

Ito ang lumalabas sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na sinasabing ayon sa Nielsen Media’s monitoring data, si Robredo ang nanguna sa paggastos sa ads mula nang nag-umpisa ang pangangampanya noong Pebrero 9 hanggang Marso 30, 2016.

Ayon sa data ng Nielsen, aabot na sa P237.2 milyon ang nagastos ni Robredo sa ad placements sa loob lamang ng 50 araw. Ang kanyang ad bill ay bumubuo na sa 43.63 porsiyento ng kanyang pwede lamang gastusin sa buong halalan.

Sa kanyang 2014 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), sinabi ni Robredo na meron lamang siyang P8 milyon na net worth kung kaya’t sinabing isa siya sa pinakamahirap na miyembro ng House of Representatives.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa hanay naman ng mga kandidato sa pagka-bise presidente ay si Sen. Francis Escudero na gumastos na ng P236.2 milyon. Pumangatlo naman si Senador Allan Peter Cayetano na gumasta ng P172.4 milyon sa loob din ng 50 araw.

Sa kanilang 2014 SALN, sinabi ni Escudero na meron lamang siyang net worth na P6 milyon, samantalang si Cayetano ay may P23.3 milyon. (Beth Camia)