Maipagpatuloy ang kanilang dati nang nakasanayan na mag-enjoy sa laro at magtiwala sa bawat isa ang nagbigay ng bagong buhay sa Ateneo Lady Eagles para sa kampanyang “three-peat” sa UAAP women’s volleyball.

Naging magaan sa defending champion ang tempo ng laro sa Game 2 para maitala ang come-from-behind 15-25, 26-28, 26-17, 25-16, 15-11 panalo kontra La Salle Lady Spikers nitong Miyerkules, sa MOA Arena.

“They have the momentum and confidence from the first game, but it shifted to us now,” pahayag ng Ateneo middle hitter Amy Ahomiro, nagbalik ng kumpiyansa sa tulong na rin ng inspirasyong nakuha nila mula sa kanilang team captain at league 3-time MVP na si Alyssa Valdez.

“We just need to have confidence on ourselves and as a team,” dagdag pa nito.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinatunayan nila ito sa pamamagitan ng pagbawi mula sa unang dalawang sets na pagkaunsiyami at walisin ang sumunod na tatlong set para sa do-or-die Game Three.

Gayunman, sinabi ni Valdez na hindi pa tapos ang laban kaya kailangan nilang mas maging handa sa inaasahan nilang mas mabigat at mas matinding laro.

“Winning is not just about winning, after winning there are bigger responsibilities,” pahayag ng tinanghal ding Best Scorer at Best Server.

“Babalikan namin ang nangyari today and remember things we did right. Physically kailangan mag prepare, but prepare also mentally kasi last game na. Mind over matter kahit masakit, kahit anong mangyari lalaban,” aniya.

(Marivic Awitan)