KALIBO, Aklan - Isang lalaking sanggol ang nadiskubreng iniawan sa gitna ng mga puno ng pawid sa Makato, Aklan.

Kaagad namang dinala ng lalaking residente na nakatagpo sa sanggol ang huli sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital para magamot ito.

Matapos kumalat ang balitang may naiwang sanggol, kaagad na pumunta sa ospital ang mga tauhan ng Municipal Social Welfare and Development Office at pulisya para matingnan ang lagay ng bata.

Bagamat namamaga ang ilong sa paniwalang kinagat ng insekto, nasa mabuting lagay na ang sanggol, na kinikilala pa ang ina. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog