Zac at Sami copy

TINULDUKAN na nina Zac Efron at Sami Miro ang kanilang relasyon makalipas ang halos dalawang taong pagsasama, kinumpirma ng isang source sa Us Weekly. Ang High School Musical alum at modelong si Miro, parehong 28-anyos, ay unang nakitang magkasama noong Oktubre 2014.

Kahihiwalay lamang ng dalawa, ayon sa source.

Binura na ni Efron, abalang-abala sa pagbuo ng Baywatch remake kasama si Dwayne “The Rock” Johnson sa Tybee Island, Georgia, ang lahat ng larawan ni Miro sa kanyang Instagram at in-unfollow na rin niya ito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Matatandaang unang isiniwalat ni Miro ang kanilang relasyon ni Efron noong Marso 2015 sa kanyang panayam sa Elle.com.

“I’ve never spoken about us before, but, um, it’s definitely different,” pahayag ng modelo. “I think that you have to take that [kind of attention] with a grain of salt, and put yourself in other people’s positions. I think that’s actually a really big part of it, putting yourself in their shoes, and trying to understand where they’re coming from, and then it kinds of makes sense.”

Dati na ring naiugnay si Efron kay Michelle Rodriguez at nakarelasyon ang kanyang High School Musical co-star na si Vanessa Hudgens sa loob ng tatlong taon. (US Weekly)