karen copy

NAKA-PRIVATE na ang Instagram (IG) account ni Karen Davila. Hindi niya nakaya ang nakuhang bashing pagkatapos ng Presidential Debate last Sunday. Bawat bumisita sa IG ni Karen, ang bumubulaga ay ang advisory na “This account is private.”

Inakusahan si Karen na bias ng supporters nina Vice President Jojo Binay lalo na ng supporters ni Mayor Rodrigo Duterte. Mas pinaboran daw ni Karen si Sen. Grace Poe at si Mar Roxas.

Bukod sa akusasyong bias siya, ang daming negative comments at masasakit na salitang natanggap ni Karen na parang hindi broadcast journalist ang kanilang inaatake. Ang sakit sa dibdib basahin ang mga akusasyon na kung mahina-hina ang loob mo, tiyak na iiyak ka sa sama ng loob.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayaw na lang siguro niyang magkaroon ng negative vibes ang kanyang IG account na hindi maiiwasang mabasa, kaya hayun, naka-private na. Nganga na tuloy ang bashers/haters niya dahil ang Twitter na lang ni Karen ang open.

(NITZ MIRALLES)