Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes, Abril 26, ay magtataas ito ng 55 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel at 20 sentimos naman sa kerosene kasabay ng 40 sentimos na tapyas sa presyo ng gasolina nito.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price adjusment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Abril 19 nang nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng P1.50 sa presyo ng diesel at P1.10 naman sa gasolina at kerosene.

Samantala, nangangamba ang mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon sa posibleng paghirit ng transport groups ng dagdag-singil sa pasahe, partikular sa jeep, ngayong sunud-sunod ang oil price hike. (BELLA GAMOTEA)