Ni Marivic Awitan

Laro ngayon (Smart -Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Meralco vs Alaska

Walang lugar ang pagkakamali.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ito ang motivation na nagpapataas sa katauhan ng Meralco Bolts na sasabak sa Alaska Aces ngayon para sa huling balakid sa kanilang asam na makausad sa championship ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup.

Nakatakda ang Game 1 ng best-of-five semifinal series sa ganap na 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Tinalo ng Bolts ang 7th seed NLEX sa quarterfinals habang ginapi ng Aces ang 5th seed at dating kampeon Talk ‘N Text para maisaayos ang duwelo.

Nagtuos sa hiwalay na semis duel kahapon ang San Miguel Beer at Rain or Shine.

Sa kasalukuyan, ang semis series ang pinakamataas na naabot ng Bolts mula nang sumabak sa liga, may limang taon na ang nakalilipas.

“It’ s been nice ride so far,” pahayag ni Meralco coach Norman Black.”But it could not have been possible if not for our total team effort.”

Tinutukoy ni Black ang pagtutulungang ginawa ng kanilang mga locals sa depensa ang naging susi para pataubin ang Road Warriors sa quarterfinal series.

“Opportunity na naman, sana mas maganda ang maging outcome,” pahayag ni Reynel Hugnatan, isa sa sasandalan ng Meralco bukod kay Onuaku kasama ng iba pang locals na sina Chris Newsome, Cliff Hodge, Jared Dillinger at rookie Baser Amer.

“Pinaghandaan naming mabuti ito,minsan lang itong mangyayari at ayaw naming masayang,” sambit ni Hugnatan.

Ngunit, malaking hamon para sa Bolts ang ipinagmamalaking “pressure defense” ng Aces na sinukuan ng nakatunggali nitong Tropang Texters sa playoff.

Gayunman, may pansariling hamon na kinakaharap ang tropa ni coach Alex Compton sa pagkawala ng isa nilang key player na si Vic Manuel na pinangangambahang hindi na makakalaro sa kabuuan ng season dahil sa tinamong “right calf strain”.

Dahil dito, dobleng effort ang kinakailangan nila mula kina leading BPC candidate Calvin Abueva, Sonny Thoss, Tony de la Cruz, Nonoy Baclao, Jayvee Casio, Cyrus Baguio, at Eric Menk upang tulungan ang import na si Rob Dozier at punan ang patuloy na punan ang naiwang puwang ni Manuel.