Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) nitong Abril 22 ang muling pagtanggap ng aplikasyon para sa Senior High School Program (SHS) Voucher Program – ang subsidiya na ibinibigay ng gobyerno sa junior high school completers.

Sa pamamagitan ng Private Education Assistance Committee, pinalawig ang programa mula sa unang deadline nito noong Pebrero 15 upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante na gustong mag-aral sa pribadong paaralan.

Magsasara ang pagtanggap ng aplikasyon sa Mayo 6.

Ayon sa DepEd, 50,000 Grade 10 completers na ang nabigyan nila ng voucher at maaari nang pumasok sa mga pribadong high school, kolehiyo at unibersidad at Technical-Vocational Institution na nag-aalok ng SHS simula sa School Year 2016-2017.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Inihayag din ng DepEd na awtomatiko o hindi na kailangang kumuha ng voucher ang mga nagtapos ng Grade 10 na saklaw ng Education Service Contracting (ESC).

Maaaring maghain ng aplikasyon online sa http://ovap.deped.gov.ph. (Mac Cabreros)