blac-chyna-rob-kardashian-lamborghini-chickdriven-1024x866 copy new

MULING ibinahagi ni Rob Kardashian ang litrato ng kanyang lady love na si Blac Chyna sa Instagram, kalakip na caption na, “My beautiful wife,”.

Matatandaang inalok magpakasal ng reality star ang kanyang kasintahan apat na buwan na ang nakalilipas at isinuot sa daliri ang 7-carat diamond nitong unang bahagi ng buwan, ngunit hindi lamang ito ang mamahaling regalong ibinigay ni Rob Kardashian sa kasintahan.

Nitong Miyerkules, ibinahagi ni Chyna ang iba’t ibang kuha ng bago niyang sasakyan na kulay ube, at sinabing, “Thank you baby for my Huracan Lamborghini @robkardashian.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa kanyang Snapchat video, makikita siyang nakasakay sa bagong sasakyan habang sinasabing, “Yes! I’m so happy, so excited!”

Pagkatapos matanggap ang bagong sasakyan, ibinahagi naman ni Chyna ang isang larawan ng kanilang photo shoot. Suot niya ang cherry red cut-out bikini.

Kahit sinasabi ni Rob Kardashian na masaya sa kanya ang kanyang pamilya, mayroon pa ring tensiyon na namamagitan sa pamilya Kardashian-Jenner. Matatandaang may hidwaan si Chyna, ina ng anak ni Tyga na si King Cairo, at ang nakababatang kapatid ni Rob na kasalukuyang nobya ni Tyga, na si Kylie Jenner. (ET Online)