Derrick Monasterio (1) copy

TAKAW-PANSIN ang disarming looks at godly physique ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio. Pero ang hindi alam ng maraming tagahanga niya, bukod sa pagiging effective actor ay mahusay din siyang kumanta.

Kalalabas lang ng self-titled album ni Derrick under GMA Records, na dream come true para sa kanya. “Pinangarap ko talaga nu’ng bata pa lang ako na magkaroon ng sariling album. ‘Yung makita ‘yung mukha ko sa CD pati na sa mga record stores,” aniya.

Noong hindi pa pumapasok sa pag-aartista, ang GMA Artist Center star na ito ay naging member ng choir at sumasali sa singing competitions sa school.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Singing is my first love. When I was young, I’m part of the choir so singing talaga ‘yung roots ko at ‘yun ‘yung isa sa mga gusto kong ma-achieve. At isang malaking factor din talaga ‘yung pagsali ko sa singing contests sa school para mahasa ako sa pagkanta.”

Laman ng album niya ang pitong awitin kabilang ang carrier single na Give Me One More Chance, ang versiyon niya ng hit ni Gary Valenciano na Kailangan Kita, at ang rock track na Batobalani.

Ang album ni Derrick ay maaari nang mai-download via iTunes, Amazon Music, eMusic and Qobuz, at available naman ang hard copies sa Astroplus, Astro Vision, The Landmark, SM Music at video/record outlets nationwide.

Kasalukuyan siyang napapanood sa hit afternoon prime series na Hanggang Makita Kang Muli at Vampire AngDaddy Ko.