Abril 21, 753 B.C., nang itatag ni Romulus (“man of Rome”) at kanyang kakambal na si Remus ang siyudad ng Rome sa lugar kung saan pinakain sila ng isang she-wolf noong sanggol pa lamang sila, ayon sa tradisyon.

Upang makahikayat ng mga residente, gumawa si Romulus ng sanktuwaryo sa lugar. Pinamunuan ni Romulus ang Rome, at pinaniniwalaang bigla siyang naglaho sa kasagsagan ng matinding bagyo makalipas ang 40 taon ng paghahari.

Sinaliksik ng mga manunulat sa Rome kung kailan itinatag ang lungsod, at ayon sa mga archaeologist, sa Roman hills nanatili ang mga unang nanirahan dito noong 10th century B.C. Ayon kay Ciero, pinag-isipang mabuti ni Romulus ang lokasyon, at sinabing may “almost unbelievable foresight” ang huli.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’