JAMES AT BIMBY copy

BIRTHDAY ni Bimby Aquino Yap last Tuesday at isa sa mga bumati sa kanya ay ang kanyang amang si James Yap.

Nag-post sa Instagram si James ng three pictures nila ni Bimby at solo picture ng anak. Ang caption niya sa picture ni Bimby, “Ambilis talaga ng panahon. 9 years old ka na, Bimb! I miss you and I love you. Mahal na mahal ka ni Papa.

Happy 9th birthday!!!”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Maraming followers ni James ang natuwa na hindi niya nakalimutang batiin sa kaarawan ang unico hijo nila ni Kris Aquino, pero may nag-comment ng medyo ikinatawa namin.

Sabi ng nag-comment, “Same lang message mo sa anak mo @jamesyap18 nu’ng nag-8 sya. Haha. Nagbago lang edad.”

Walang birthday greetings si Kris kay Bimby sa IG niya, but for sure, hindi niya nakalimutang batiin ang anak sa kanyang kaarawan.

Speaking of James, malapit na siyang maging ama for the third time dahil buntis ang girlfriend niyang si Michelle Acazzola. Sabi ng mga nakakakita sa picture ni Michelle, baby boy ang ipinagbubuntis nito.

Ang wish lang ng mga nagmamahal kay Bimby, sana ay magkaroon pa rin ng time kay Bimby si James kahit may bago na siyang baby. (NITZ MIRALLES)