TARLAC CITY – Isang pitong taong gulang na lalaki ang aksidenteng nabaril sa ulo ng airgun na gamit ng kanilang kapatid sa paglalaro nila ng baril-barilan sa San Sebastian Subdivision sa Tarlac City.

Ayon kay PO3 Ranee Navarro, dakong 7:00 ng gabi nitong Martes at nakikipaglaro ng baril-barilan ang biktimang Grade 2 pupil sa kanyang kapatid nang makita niya ang airgun.

Sa kanilang paglalaro, pumutok ang baril at tumama ang bala nitong pellet sa ulo ng biktima, na agad isinugod sa Tarlac Provincial Hospital, tsaka inilipat sa Central Luzon Doctors’ Hospital (CLDH).

Ayon sa imbestigasyon, ang airgun ay pag-aari ng isang “Toto” at isinangla sa ama ng biktima. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog