Nanatiling nakalutang sa alapaap ang pakiramdam ni table tennis star Ian ‘Yan-Yan’ Lariba matapos tanghaling unang Filipino table tennis player na nag-qualify sa Olympics.

Nakamit ni Larriba ang pinakamimithing pangarap ng mga atleta -- Olympics berth -- para sa darating na Rio de Janeiro Olympic Games sa ginanap na 2016 Asia Olympic Games Qualification Tournament kamakailan sa Hong Kong.

“Basta grabe po. It’s still feels surreal. I am just really thankful and grateful for the moment. Sobrang nakakataba po ng puso nong makita ko rin po na masaya ang mga Filipino na nakamit natin,” pahayag ni Lariba, reigning UAAP MVP matapos pangunahan ang De La Salle sa kanilang ikaapat na titulo noong nakaraang Oktubre.

Dahil sa bagong tagumpay, liyamado si Lariba para magkamit ng kanyang ikalawang sunod na UAAP Athlete of the Year award sa pagtatapos ng Season 78 sa susunod na buwan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dumating kahapon sa bansa si Lariba, kasama ang iba pang miyembro ng Philippine Team. Tangan niya ang ika-324 puwesto sa women’s world ranking bago ang laban sa Hong Kong .

“Lagi ko naman pong sinasabi na hindi lang po ako ang may gawa nito. Dahil rin po ito sa lahat ng dasal, suporta at inspirasyon ng mga kababayan natin, ng mga coaches, at pamilya ko. Para po sa ating lahat ito,”ayon kay Lariba.

Tinalo ni Lariba ang Indonesian na si Lilis Inoriani, 11-6, 11-2, 11-8, 11-5 para sa ika-11 at huling Olympics berth sa nasabing Hong Kong qualifier.

Mayroon ding hawak na record si Lariba sa kanyang paglalaro sa UAAP kung saan hindi pa siya nakakatikim ng pagkatalo sa loob ng limang taon sa Lady Archers. (marivic awitan)