TARLAC CITY – Masaklap ang sinapit ng isang babaeng Grade 6 pupil matapos siyang i-gang rape ng apat na kapwa menor de edad sa 9th Street sa Barangay Balete, Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, dakong 10:00 ng gabi nitong Lunes at pauwi na ang 13-anyos na biktima nang harangin siya ng mga suspek at dinala sa bahay ng isa sa mga ito.

Halinhinan umanong hinalay ng apat na binatilyo ang biktima, bago pinagbantaang papatayin kapag nagsumbong sa awtoridad.

Nabatid na ikinulong ng mga suspek ang dalagita sa silid, ngunit nakatakas ito at agad na nagsumbong sa Women and Children Protection Desk ng Tarlac City Police. (Leandro Alborote)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol