HAVANA (AP) – Nagbigay si Cuban revolutionary leader Fidel Castro ng valedictory speech noong Martes sa Communist Party na iniluklok niya sa kapangyarihan mahigit kalahating siglo na ang nakalipas, sinabi sa mga kapartido na malapit na siyang mamatay at hiniling na panatilihing buhay ang kanyang mga kaisipan.

“I’ll be 90 years old soon,” sabi ni Castro sa pinakamahaba niyang public appearance sa loob ng maraming taon. “Soon I’ll be like all the others. The time will come for all of us, but the ideas of the Cuban Communists will remain as proof on this planet that if they are worked at with fervor and dignity, they can produce the material and cultural goods that human beings need, and we need to fight without a truce to obtain them.”

Nagsalita si Castro kasabay ng paghahayag ng gobyerno na mananatili ang kapatid niyang si Raul, 84, sa pinakamataas na puwesto sa Cuban Communist kasama ang second-in-command nito na Jose Ramon Machado Ventura, 85.

“This may be one of the last times I speak in this room,” sabi ni Fidel Castro, 89. “We must tell our brothers in Latin America and the world that the Cuban people will be victorious.”Matapos niyang magsalita, sumigaw ang mga tao ng “Fidel!” at napaluha ang ilan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture