NEW YORK (AFP) – Namayagpag si dating secretary of state Hillary Clinton at ang bilyonaryong si Donald Trump sa New York primary noong Martes, na nagpalakas sa kanilang tsansa na makuha ang Democratic at Republican nomination para sa White House.
Sa most decisive New York primary sa loob ng maraming dekada, tinalo ni Clinton ang self-styled democratic socialist na si Senator Bernie Sanders. Naalarma naman ang mga karibal ni Trump sa paghataw nito sa New York na makaaapekto sa nominasyon ng partido sa Hulyo.
Kapwa na ngayon aasintahin nina Clinton at Trump na makopya ang tagumpay na ito sa Connecticut, Delaware, Maryland, Pennsylvania at Rhode Island, na magdaraos ng mga primary sa Abril 26, habang papalapit sila sa general election sa Nobyembre.