donaire copy

Dehado sa maraming aspeto, iginiit ni Hungarian challenger Zsolt Bedak na itatarak niya ang ‘upset win’ kontra kay Nonito Donaire, Jr. sa kanilang duelo sa Sabado sa Cebu City Sports Center.

“In boxing anything can happen. We are planning to fight for 12 rounds. Nobody would have thought that Wladimir Klitschko would be beaten by Tyson Fury. There are big surprises in boxing,” pahayag ni Bedak.

Tinutukoy niya ay si Klitschko, itinuturing na top 10 pound-for-pound fighter at kasalukuyang kampeon sa heavyweight division. Hawak din niya ang WBO, World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) heavyweight titles bago naisuko kay Fury via unanimous decision.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa kabila ng katotohanan na tanging si dating world champion Wilfredo Vazquez lamang ang pinakamatikas na fighter na nakaharap, taglay ni Bedak ang malawak at impresibong karanasan sa amateur. Sumabak sa Olympics si Bedak sa 2004 Athens Games.

Naitala niya rin ang kahanga-hangang panalo kay Mexican star Abner Mares, ngunit nabigo kay Cuban star Guillermo Rigondeaux sa amateur rank.

“This is the biggest fight of my career. This is my most important fight,” sambit ng 32-anyos na Hungarian.

“After six years I’m given another opportunity,” aniya.

Unang nakakuha ng pagkakataon sa WBO title si Bedak kontra kay Vazquez, ngunit nabigo ito sa kanilang WBO super bantamweight championhip noong 2006.