Tiniyak ng Malacañang sa susunod na administrasyon ang smooth transition at sapat na public funds para sa susunod na pangulo ng bansa.

Nagpahayag din si Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. ng kumpiyansa na walang masasabing negatibo ang susunod na administrasyin sa administrasyong Aquino pagdating sa mabuting pamamahala.

“Makaka-asa ang susunod na administrasyon na magiging maayos ito dahil ang Aquino administration ay magbibigay ng buong pagtulong at kooperasyon sa kanila para maging maayos ang transition natin,” pahayag ni Coloma nitong Biyernes.

Sinabi ni Coloma na naghahanda na ang outgoing Aquino administration sa transition reports lalo na sa mga isyu na kakaharapin ng susunod na administrasyon.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Tiniyak din ng Palasyo na naging matipid at responsable sa paghawak ng pondo ng bayan ang Aquino administration, at hindi mangyayari sa susunod na administrasyon ang nangyari noon sa simula ng administrasyong Aquino.

Magugunita na kinailangang pagkasyahin ng Aquino administration ang nasaid na pondo sa simula ang termino ni PNoy, at sinisi ang Arroyo administration sa naiwang kakarampot na pondo.

“Sa mga nakaraaang taon ay naging responsible ang Aquino administration dahil doon sa mga prinsipyo ng mabuting pamamahala o good governance na tamang pag-gastos ng pondo ng bayan,” ani Coloma. (Madel Sabater-Namit)