LOUISE AT JUANCHO copy

IPAKIKILALA ang love team nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino sa Afternoon Prime na Magkaibang Mundo, magpa-pilot sa May 23.

Produkto ng screen test ng network ang love team ng dalawa, saka lang sila napiling pagtambalin pagkatapos ng screen test ng lahat ng talents at makitang sila ang may chemistry.

Biggest break ni Juancho ang Magkaibang Mundo dahil leading man na siya. Balik-soap naman si Louise na six months walang regular show at naggi-guest lang sa shows ng network.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“Natuwa ako nang malamang ako ang leading man ni Louise dahil hindi lahat nabibigyan ng chance na mag-lead. Four years na ako sa GMA-7 at kung dati, hindi ko masabi kung ready na akong mag-lead, ngayon, ready na ako,” banggit ni Juancho.

Worth it naman kay Louise ang ipinaghintay dahil maganda ang comeback project niya at maganda ang kanyang role, bagay sa time slot na pagkatapos ng Eat Bulaga.

“Mala-Cinderella ang role ko rito, may very perfect family, hanggang may mangyari sa dad ko. Inapi ako ng tita ko at mga anak niya hanggang may maging kaibigan siyang duwende. Hanggang diyan muna ang kuwento ng Magkaibang Mundo, subaybayan n’yo na lang,” sabi ni Louise.

Lahat ng mga itinanong ay sinagot ni Loiuse, maliban sa lovelife at may rason naman siya. Gusto niyang ma-focus ang nababasa tungkol sa kanya sa pagiging aktres niya at hindi dahil sa lovelife at kung sino ang boyfriend niya.

(NITZ MIRALLES)