Legazpi City – Tatlong katao ang nasugatan nang sumabog ang simbolikong cauldron o higanteng sulo na nagsisilbing ningas sa ginaganap na 2016 Palarong Pambansa sa loob ng Albay-BU Sports and Tourism Complex.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Legazpi, naganap ang insidente sa ganap na 10:30 ng gabi nang biglang mabiyak ang bunganga ng sulo at kaagad na sumambulat.

Hinihinalang mababang klase ng materyales ang ginamit sa paggawa ng naturang cauldron kung kaya’t hindi nito nakayanan ang init mula sa nagniningas na apoy.

Tinamaan ng bato at baga ang tatlong miyebro ng Albay Sports Office na nagsasagawa ng ‘round’ sa lahat ng pasilidad ng complex.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Ayon sa ulat ni Dr. Eric Raborar, head ng medical team sa venue, nagtamo ng paso sa katawan at ulo ang tatlong biktima, ngunit ligtas na umano ito sa kapahamakan.

“While the BFP cleared that the urn can still be used, for the safety of everyone especially since the weather is likely to be hot in the next two days, we will no longer light the urn using the same gas-based technology. We will try to produce an Olympic flame symbolically using other means,” pahayag ni Albay Governor Joey Salceda.

Nakatakdang patayin ang ilaw sa cauldron sa closing ceremony bukas. (Angie Oredo)