DEREK AT SHAINA copy

SA wakas, mapapanood na si Shaina Magdayao sa isang romantic comedy movie.

Palaging seryoso ang roles ni Shaina, sa teleserye man o sa pelikula, gayong hindi naman pang-drama lang ang beauty niya.

Isa si Shaina sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, pero tila hindi siya nakikitaan ng potential na maging screen sweetheart ng kanyang mother studio. Mabuti na lang, matalas din ang mga mata ni Direk Quark Henares.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Bida si Shaina sa My Candidate, ang pagbabalik-pelikula ni Direk Quark pagkatapos niyang mag-aral sa US.

Katambal si Derek Ramsay, ang madalas na leading man sa rom-com na laging pumapatok sa boc office, ire-reinvent ni Direk Quark si Shaina sa My Candidate under Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Production at Butchi Boy Films.

Ang grupo ng indie film producers na ito ang nasa likod ng surprise hits na English Only, Please at Heneral Luna kaya tiyak na aabangan ng moviegoers na mahihilig sa bagong atake sa filmmaking ang My Candidate. (DINDO M. BALARES)