RITZ LANG_please crop copy

FINALLY, nakausap na namin nang personal si Ritz Azul sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano kahapon sa Pio del Pilar Elementary School, Sta. Mesa, Manila.

Inamin ni Ritz na naunang nag-alok ang GMA-7 sa kanya noong nasa TV5 pa siya. Pagkatapos ng kontrata niya sa Kapatid Network, saka lang nila in-entertain ang alok ng Kapuso Network.

Pero walang maibigay na kongkretong plano ang GMA-7 para kay Ritz at sinabihang mag-guest muna siya sa Bubble Gang at Small Family na ginawa naman ng aktres.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ito ang assignments niya nang ipahanap siya ng top gun ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal na agad naglatag ng mga plano para sa career niya.

“Nauna pong mag-offer ang GMA, pero mas naunang magbigay ng plans ang ABS at nagustuhan naman po ni Papa, at co-manage po siya at ang Star Magic.

“Hindi namin talaga matatanggihan ang offer ng ABS kasi developmental siya. Sabi, ide-develop daw ako sa acting, gagawin daw akong aktres, saka aalagaan daw ako, and it’s a network contract (guaranteed contract),” sabi ni Ritz nang interbyuhin ng ilang entertainment press sa set visit.

Bukod sa Dos at Siyete ay nag-offer din ulit ang TV5 sa kanya.

“Pagkatapos ng tatlong buwan, period contract after the expiration, parang hindi po naayos kaagad ‘yung plans sa renewal, so nagpaalam naman po ako nang mabuti (TV management), sabi ko, gusto ko pong mag-grow as an artist.”

Wish granted ang pagpasok niya sa ABS-CBN, bagamat nang pumasok siya sa showbiz ay hindi niya alam kung ano ang galaw ng entertainment industry.

“Hindi po kasi ako masyadong nanonood ng TV noong bata pa ako at nu’ng pagpasok ko po ng TV5, doon ko lang nalaman na may ABS, GMA at TV5. Sabi ko, ‘yung mga artista ng ABS, kagalang-galang, ang gaganda ‘tapos ang gagaling umarte at ang daming endorsements. Sabi ko, ‘ano kaya kung mapasama ako, one day?’ So, nu’ng Tuesday, contract signing, parang sabi ko, dream come true.

“’Tapos after ng contract signing, nag-taping na po ako kaagad ng Ang Probinsyano, eh, sabi ko sa contract signing, gusto kong makatrabaho si Coco Martin. Sinabi ko ‘yun, kasi po tinanong ako. Pero two days before ng contract signing sinabihan na po ako na may taping na ako kaagad ng Ang Probinsyano, kaya sabi ko, ‘what? After contract signing kasama ko na kaagad si Coco, kaya dream come true po talaga,” masayang kuwento ni Ritz.

“Siyempre po sa first taping day ko, hindi ko masyadong kilala ang lahat ng prod, naninibago pa ako, pero everyone is nice, talagang inalagaan din nila ako, tinulungan din nila ako, at kahapon (Huwebes) ko pa lang nakaeksena si Coco Martin. Grabe, parang nagkaroon ako ng coach sa eksena, sa taping.

“Tinuturuan niya ako ng, ‘ganito ang magandang gawin, mas maganda kung ito ang gawin mo sa eksenang ito’ (sabi ni Coco). Pati character ko, ituturo niya sa akin.

“Sabi ko nga, wow, kung hindi ko pa magagawang mabuti itong sarili ko, ewan ko na lang. Sobrang thankful ako kasi lahat supportive lahat talaga -- from management hanggang sa pinakamababang prod sa Ang Probinsyano,” salaysay ni Ritz tungkol sa unang sabak niya sa taping sa Dos.

Hindi siyempre naiwasang tanungin siya sa pagkakaiba ng trabaho sa TV5 at sa ABS-CBN.

“Pareho naman silang supportive, nagtutulungan, pero masasabi ko dito sa ABS mas alam nila kung saan ako ipupunta, career path ko. Sa TV5 kasi, siguro dahil baguhan pa ako kaya iniisip pa siguro kung saan ako ilalagay; dito sa ABS, may direksyon.

“’Tapos po, sabi ko, dream ko action, ‘tapos dito sa Ang Probinsyano, aksiyon ako. Sabi ko na, ‘ay, talagang lahat ng gusto ko dream come true agad-agad’.”

Pagdating sa set para sa unang araw niya sa taping, ipinakilala ni Ritz ang sarili kina Ms. Susan Roces at Coco.

“Dinner time po ‘yun, nasa ilalim siya (Coco) ng tent, lumapit ako, nagpakilala ako kasama si Tita Susan. ‘Tapos sabi ni Tita Susan, kilala raw niya ako. Sabi ko sa sarili ko, ‘Tita Susan, kilala ako?’ Kasi kasama ko si Ms. Sheryl Cruz sa Nagbabagang Bulaklak, eh, pamangkin niya, naalala pa niya. Sabi ko sa isip ko, kinikilig-kilig ako.

‘Tapos si Coco Martin, sabi ko, I’m Ritz, ‘tapos nagka-chat nang konti ‘tapos sabay kumain,” masayang kuwento ng dalaga.

Dagdag pa ng dalaga, “Ang pogi ni Coco, crush ko siya, kasi lahat nandoon na sa kanya.”

Erica ang pangalan ng karakter niya sa Ang Probinsiyano na agad nagmarka sa televiewers nang lumabas last Thursday night, bilang lider ng mga batang nagso-solvent na mukha raw beauty queen.

Masayang nagkuwento si Ritz na abangan ang karakter mga sorpresa sa karakter niya.

Samantala, pawang TV projects muna ang nasa kontrata niya at wala pa namang nasabing gagawa siya ng pelikula.

(REGGEE BONOAN)