Binatikos ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang hudikatura sa bansa matapos payagan ng Sandiganbayan-Fourth Division na makapagpiyansa ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mistulang pinapaboran ng hukuman ang mayayaman habang pinahihirapan ang mahihirap.

Ikinumpara ng Arsobispo ang desisyon sa kalagayan ng 75 magsasaka na ikinulong sa Kidapawan na pinagpipiyansa ng P12,000 para makalaya.

“One thing is certain, in the Philippines the justice system is dysfunctional meaning to say the moment you are omnipotent, you are powerful, you are wealthy the justice system in the Philippines treats you differently than those who are poor, those who have nothing to eat,” pahayag ni Cruz, sa panayam ng Radyo Veritas. (Mary Ann Santiago)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador