Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin, mangangailangan ang bawat manggagawa sa Metro Manila ng mahigit P600 sa kanilang arawang sahod upang makatawid sa gutom.

Ito ang pagtaya ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) base sa umiiral na minimum wage rate sa Metro Manila na P481 kada araw para sa mga non-agriculture workers at P444 para sa agriculture workers.

Ayon sa pinakamalaking grupo ng manggagawa sa bansa, hindi na ito sapat upang matustusan ng mga obrero ang kanilang pangangailangan sa rehiyon.

“The latest legislated Four Hundred Eighty-One Pesos (P481.00) daily minimum wage in the NCR, is only Three Hundred Sixty Four Pesos and Twelve Centavos (P364.12), eroded by 24.3%,” saad sa petisyon sa taas-sahod na inihain kahapon ng TUCP sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB )-NCR.

Sen. Imee Marcos binati si FPRRD sa kaarawan nito

“The Six Hundred Thirty-Five Pesos (P635.00)—P481.00 + P154.00—should be the level of daily minimum wage of workers in the NCR to help restore the purchasing power of the workers’ wages,” dagdag ng TUCP.

Kinumpirma ni RTWPB-NCR Chairman at Department of Labor and Employment (DoLE)-NCR Director Nelson Hornilla na natanggap na nila ang petisyon ng TUCP at handa na nilang aksiyunan ito. (SAMUEL P. MEDENILLA)