ISA sa mga pinagpipitaganang hurado sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime si Karla Estrada. Pinalalakas niya ang moral ng contestants sa ibinibigay niyang magkahalong puri at puna.

Tulad ng punong huradong si Rey Valera, hindi siya maramot na ibahagi ang kaalaman niya sa pagkanta para ma-improve ang talento ng kalahok.

Pero hindi rito nagwawakas ang pagiging matulungin ni Karla. Nasaksihan ng madlang pipol that she has a generous heart nang sorpresahin niya ang isang kalahok na sasagutin niya ang gastos sa pag-aaral sa anumang kursong gusto nitong kunin at kahit saang paaralan naising pumasok.

Labis kasi naantig ang puso ng mommy ni Daniel Padilla sa kuwento ng kahirapan ng aspiring male singer.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa isa pang pagkakataon, she extended unsolicited help sa 59 years old na sinamang-palad na ma-gong. Ang tanging ikinabubuhay nito ay ang umawit sa small gatherings na hindi sapat para maitaguyod ang amang may kapansanan.

Para sa dalawang contestant ng “Tawag ng Tanghalan” ay heaven sent si Karla dahil kahit hindi sila naging winner ng contest ay may biyaya silang naiuwi.

Kasalukuyang abala si Karla ngayin sa rehearsal para sa kanyang nalalapit na concert entitled The Queen Mother na gaganapin sa Kia Theater sa Abril 30.

Deserving din siyang bansagang The Generous Queen Mother sa pagiging matulungin. (REMY UMEREZ)