ECHAGUE, Isabela – Hindi na nadala sa mental hospital ang isang binatang may diperensiya sa pag-iisip matapos siyang matagpuang walang malay sa himpilan ng pulisya sa Barangay San Cabugao sa bayang ito.

Dakong 5:40 ng hapon nang madiskubre ang walang malay na si Donovin Escalora, 23, binata, walang trabaho, residente ng Bgy. Bacradal, Echague, Isabela.

Nabatid na nagpakamatay si Escalora sa pagbibigti gamit ang tali ng kanyang bag.

Nauna rito, inihabilin si Escalora ng nakakatanda niyang kapatid sa pulisya para sa temporary custody.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

(Liezle Basa Iñigo)