JAEN, Nueva Ecija - Dahil sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga, nasakote ng pinagsanib na tauhan ng Jaen Police, Nueva Ecija Task Force on Illegal Drugs at Provincial Public Safety Company ang isang matinik na drug pusher sa Barangay Magsalisi sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si Reynaldo Alcaraz y Fernando, 45, residente sa nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Si Alcaraz ay ikatlo sa priority target list ng Jaen Police. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog