Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang miyembro ng Commando Gang makaraan siyang barilin ng hindi kilalang suspek habang naglalaro ng cara y cruz sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Ospital ng Tondo si Reynaldo Casidsid, 34, residente ng 3192 Interior 23, Pilar Street, Tondo, Manila.

Samantala, inaalam naman ng mga awtoridad ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek na inilarawang may taas na 5’1” hanggang 5’2”, payat, nakasuot ng jacket at short pants, at armado ng caliber .38 revolver.

Batay sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong 4:15 ng umaga nang mangyari ang pamamaril sa kanto ng Pilar at Hermosa Streets sa Tondo, malapit sa riles ng Philippine National Railways (PNR).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naglalaro umano ang biktima ng cara y cruz kasama ang ilang kaibigan nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo bago tumakas.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, lumitaw na ang biktima ay dating nakadetine sa Manila City Jail sa kasong robbery.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen. - Mary Ann Santiago