BAMBAN, Tarlac - Duguang isinugod sa Divine Mercy Hospital ang isang tricycle driver at dalawa niyang pasahero matapos silang masagi ang kasunod na hindi natukoy na sasakyan sa highway ng Barangay Anupul sa Bamban, Tarlac.

Hindi pa matiyak ang lagay sa ospital nina Michael Ignacio, 25, driver ng tricycle (QB-3879); Luzviminda Tabamo, 40; at Geraldine Diamsay, 40, pawang taga-Bgy. San Pedro, Bamban, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni PO1 Jovan Yalung, tumatahak pahilaga ang tricycle nang biglang mag-overtake ang kasunod nitong sasakyan at nasagi ang tricycle na bumalandra sa kalsada. - Leandro Alborote

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito