Auburn Hills, Michigan (AP) — ginulantang ng Detroit Pistons, sa pangunguna ni Reggie Jackson na kumana ng 39 puntos at siyam na assist, ang Washinton Wizards, 112-99, para makopo ang kauna-unahang postseason spot sa nakalipas na pitong taon nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Huling nakapasok sa playoff ang Detroit noong 2009 kung saan winalis sila ng Cleveland Cavaliers sa first round. Tila mauulit ang kanilang serye ngayong playoff.

PELICANS 110, LAKERS 102

Sa New Orleans, tulad ng inaasahan kabiguan ang natikman ng Lakers sa huling laro ni Kobe Bryant sa New Orleans.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nalimitahan si Bryant sa 14 puntos, apat na assist at tatlong rebound.

Nanguna sa Pelicans si Ajinca sa career high 28 puntos at 15 rebound.

RAPTORS 111, PACERS 98

Sa Toronto, nailista ni rookie Norman Powell ang season-high 27 puntos, para gapiin ang Indiana Pacers pata mapatataga ang kampanya sa playoff.

Kakailanganin ng Pacers na magwagi sa Brooklyn at magdasal na matalo ang Chicago Bulls sa Clevelanl sa Sabado (Linggo sa Manila) para makasambot ng playoff spot.

MAGIC 112, HEAT 109

Sa Orlando, ratsada si Nikola Vucevic sa naiskor na 29 puntos, habang kumubra si Evan Fournier ng 28 puntos sa panalo ng Magic sa Miami Heat.

Naputol ang two-game winning streak ng Heat at nalagay sa matinding pagsubok ang kanilang kampanya sa Eastern Conference playoff.

Nanguna sa Heat si Dwyne Wade na may 17 puntos.

NUGGETS 102, SPURS 98

Sa Denver, nakabawi ang Denver mula sa 10 sunod na kabiguan nang silatin ang san Antonio Spurs.

Humugot si Jusuf Nurkic ng career-high 21 puntos, habang tumipa si Gary Harris ng dalawang matibay na play para tanghaling tanging koponan na nagwagi sa Spurs at Golden State Warriors ngayong season.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Dallas Mavericks kontra Memphis Grizzlies, 103-93;

Tinambakan ng Boston Celtics ang Milwaukee Bucks, 124-109; winasak ng Charlotte Hornetrs ang Brooklyn Nets, 113-99; at hiniya ng New York Knicks ang Philadelphia 76ers 109-102.