Nagpasiklab ang dating NCAA champion Philippine Christian University-Lilac Experience sa impresibong 18 three-pointer tungo sa 124-102 panalo kontra AMA-Wang’s Ballclub , 124-102, kahapon sa 2016 MBL Open basketball championship, sa EAC Sports and Cultural Center sa Manila

Umiskor si Mike Ayonayon ng 29 na puntos, kabilang ang pitong three-pointer, habang nag-ambag si Von Tambeling ng 24 na puntos na may apat na triples para sa Dolphins, bahagya lamang pinagpawisan sa laro laban sa Titans.

Kumubra si Fidel Castro ng 15 puntos para sa Dolphins, suportado ng Naughty Needlez at pinangangasiwaan ni cage coach icon Ato Tolentino.

Bunsod ng panalo, nakatabla ang PCU sa Macway Travel Club na may parehong 4-1 karta sa eight-team, single-round tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC Couriers at Gerry’s Grill.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Ang panalo ng PCU ay sumapaw sa conference-tying high 34 puntos ni Federico Alupani ng AMA-Wang’s.

Napantayan ni Alupani, kumana rin ng walong three pointer, ang conference-high 34 puntos na nagawa ni Mel Mabigat sa panalo ng Jamfy-Secret Spices kontra Our Lady of Lourdes Technological College noong Marso 16.

Nakapagtala naman ang Titans, sinasandigan nina coach Eugene Bautista at Bobby Andaya, ng 12 triples.

Nanalo naman ang Emilio Aguinaldo College via default laban sa Microtel.

Umakyat sa 3-1 ang Generals, na may bagong coach na si Ariel Sison para sa nalalapit na NCAA season.

Iskor:

PCU (124) -- Ayonayon 29, Tambeling 24, Castro 15, Sazon 12, Palattao 8, Corpuz 8, Vasquez 7, Apreku 7, Dungca 5, Mescallado 5, Catipay 2, Bautista 2, Yasa 0, Abrigo 0.

AMA-Wangs (102) -- Alupani 34, Jordan 15, Magpantay 12, Calma 10, Angeles 10, Tobias 7, Dizon 6, Carpio 3, Gutierez 3, Castro 2, Quijano 0, Dulnoan 0.

Quarterscores:

34-28, 56-46, 93-75, 124-102.