Tiniyak ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na may sapat na supply ng kuryente sa eleksiyon sa Mayo 9, 2016.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, malayong magkaroon ng brownout sa mga lugar na sineserbisyuhan nila.
Aniya, nakahanda na rin ang 200 generator na paaandarin sakalin man na magkaroon ng brownout.
“Ito ang aming ambag sa HOPE o honest, orderly and peaceful election,” ani Zaldarriaga.
Tuwing halalan ay pinangangambahan ng mga kandidato ang dayaan kapag biglang nawalan ng kuryente dahil sasamantalahin umano ito para manipulahin ang resulta ng eleksiyon, gaya ng pagpapalit sa election returns.
(Mac Cabreros)