Naisalpak ni Roger Pogoy ang three-point shot may 2.3 segundo sa laro para sandigan ang Phoenix Petroleum-Far Eastern University sa 85-84 panalo kontra Café France sa Game 3 ng PBA D-League Aspirants Cup best of-five finals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naghahabol ang Accelerators at nasa bingit na nang kabiguan nang mabutata ni Bakers’ forward Rodrigue Ebondo ang tira ni Phoenix’s Ed Daquioag, ngunit nakuha ni Pogoy ang bola at kaagad na tinalo ang buzzer para sa game-winning shot.

Hindi na umabot sa rim ang desperation shot ni Café France guard Mon Abundo sa buzzer.

Bunsod ng panalo, tangan ng Phoenix ang 2-1 bentahe. Nagwagi ang Accelerators sa Game 1.

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

Tatangkain nilang makopo ang korona sa Game Four sa Martes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.